Categories
How to & Advice Latest Posts

Busy for Trading? This is the key!

“Saka na ko mag-iinvest, kapag ‘di na busy.”

Isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit ang komplikado at overwhelming ng pag-iinvest ay dahil napakarami nating options. From stocks and bonds, to real estate or money markets — madalas natin marinig ang mga ito; pero mahirap pumili kung ano ang makakapag-guarantee sa atin ng good returns. Plus, madami sa atin ay busy sa work, kaya hindi tayo makahanap ng oras para mag-aral ng mga ito.

Pero ka-Investa, what if we tell you: pwede ka na mag-invest nang hindi naglalaan ng napakalaking oras at effort through mutual funds? 

“Pero paano ba ako magsisimula?” “Mutual funds? Ano ba yan?”

Essentially, mag-aambag ka lang, kikita ka na. No joke.

Nagwowork kasi ang mutual funds sa pamamagitan ng pagtitipon tipon ng pera ng mga investors. Ang funds na natipon ay siyang i-iinvest sa mga assets tulad ng stocks, bonds, money market, at iba pa. 

“Ha, so paano ko mahahawakan ang pera ko?”

Good question, ka-Investa! Ito actually ang rason bakit swak ang mutual funds sa mga busy na tao — ang pera sa mutual funds ay hinahandle ng professional fund managers. Sila ang bahala sa pagpapalago, at ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pag-iinvest sa iba’t ibang nasabing securities. 

Ngayon, ang tanong mo siguro: “paano ba ako kikita?”

Kapag tumataas ang value ng mga securities ng mutual funds, dito ka ngayon kikita. Sa madaling salita, kapag may mutual fund account ka, nagiging part-owner ka ng mga investment securities ng mutual funds. Kaya’t kapag kumita ang mga securities na ito, ikaw din ay kumikita.

Ngunit shempre, gaya ng ibang investments, may risk din ang mutual funds dahil nag-flufluctuate ang value ng investments.

At shempre, kailangan alam pa rin natin kung ano ba talaga ang goals ng investment natin. 

“Long-term o short-term investment ba ito?” ”Kailangan ko ba ang pera, if in case may emergency?” Ilan ito sa mga tanong na kailangan mo sagutin bago ka mag-invest. 

Lagi natin tatadaan na walang 100% sure return, ngunit malaki ang possibility na kumita tayo kung alam natin ang objectives natin, at pinaplano natin ito.

Pero at the end of the day, ang maganda sa mutual funds ay pwede ka mag-diversify, at kapag bumaba ang value ng isang stock, maliit lamang ang epekto nito dahil diversified ang portfolio. Kaya in the long-run, pwedeng masabi na sustainable ang mutual funds.

Ka-Investa, kung may oras tayo mag-scroll sa social media, then dapat kaya din natin mag-laan ng oras sa pag-iinvest. Kailangan lang natin alamin kung saan tayo magsisimula.

Kung nagustuhan mo ang article na ito, don’t worry kasi marami pa kaming i-rerelease tungkol sa mutual funds and investing. Mananatili kaming andito, hangga’t matulungan namin ang lahat ng Pilipino sa kanilang investment journey.


Leave a Reply

By Investa

Investagrams has helped thousands of Filipinos all over the world on their stock market journey. Now, we're aiming to help thousands more! Follow us on InvestaDaily for investing tips and stock market advice to help you reach your first million.

Leave a Reply Cancel reply

Subscribe to our Newsletter

Join our mailing list for investing tips and stock market advice
to help you reach your first million.

You have Successfully Subscribed!