“Naks abroad ang work! Laki siguro ng sahod mo.
Size 9 nga pala ako kapatid.”
Ilan lamang yan sa mga kantyaw na matatangap mo ‘pag nalaman nilang you are working abroad. As if kaya na naming bayaran ang UTANG ng Pilipinas sa sahod namin kung makapagparinig ang iba. Just like everyone else, kaming mga OFW’s, gusto rin naming maka-ahon sa Buhay at mabigyan ng magandang future ang aming mga pamilya.
Ako nga pala si CHAD, Isa akong Caviteño, 2012 noon, Katulad ng iba, isang simpleng Empleyado lang din ako. Working the usual 8-5pm shift. Chasing the years. Hinahabol ang promotion at tinatanaw ang pagtaas ng Sahod. Katulad ng karamihan sa atin, I believed na the fastest way na makaka-ahon ako sa hirap ay ang pag-aAbroad. So ayun sinubukan kong mag-apply at magtrabaho papuntang Korea. Anyeong haseyo ❤!
Sobrang excited at saya ko!
“Feeling ko abot-kamay ko na lahat ng pangarap ko.”
Ganadong ganado ako sa mga unang araw ko sa trabaho. Ganado pa rin sa mga unang linggo. Ganado sa unang buwan ng sweldo. Until I realized na halos parehas lang dito. Different country, same story, decent salary, but away from your family. Working for more than 8 hours a day is no joke minsan wala ka ng oras para sa sarili mo. Totoong mas mataas ang sweldo, mas nakakaipon (kung matipid ka), pero totoo din yung hirap. Sobrang mahirap.
All those times, nasa BANK ang pera ko, kumikita naman mga less than 1% kada taon pero nababagalan ako. After a year, naghanap ako ng ibang way to make my MONEY work for me. The search started there. Naririnig ko na yang Stock Market na ‘yan. But I thought, just like everyone else, pang-Mayaman lang ‘yang stocks na yan. Pero given sa na-experience ng kaibigan ko, hindi naman daw kailangan na mayaman ka para magsimula. I contacted a friend from Cebu na alam kong nagii-Stocks para magtanong tanong. That was the start of my journey, sa una takot ako dahil pinaghirapan ko yung perang balak kong i-Invest but I was enlightened!
I realized ANYONE CAN INVEST IN THE STOCK MARKET, IT DOESN’T MATTER KUNG MALIIT LANG ANG IPON MO SA BANKO.
“From Customer to Shareholder of Jolibee.”
Nagbasa basa pa ko tungkol dito. Nanunuod ako sa mga business related tv station just to get a deeper understanding of how to start investing in Stocks. I was HUNGRY and After six months of searching and studying, I went home. Umuwi ako nang may bagong pangarap. Bagong bagay na gumising sa katawang lupa ko. Agad – agad akong Nag-open ako ng account with my savings. Natatandaan ko pa yung unang stock na binili ko, Siyempre yung sikat na banko, BDO. Consistently, for 6 months, aside dun sa initial capital ko, I put PHP5,000 into my account and buy BDO shares.
“After 6 months, I gained 17% from BDO.”
Cut the long story short, I continued sa journey ko. Nag-aral ako ng mga Strategies and Setups after kong magtrabaho, I also met friends along the way, yung iba sa Pilipinas, yung iba naman andito rin sa Korea. Mga taong patuloy na nangangarap at nagkaroon ng Pag-asa dahil sa Stock Market.
Naging part din ako ng isang Event ng Investagrams last 2017. (Ako yung gwapo sa pinaka right)
Madami akong nakuha through investing, given na yung Financial aspect pero Most importantly – yung Financial freedom- not the freedom na kaya mo nang bilhin lahat ng gusto mo (although that could happen, too), but ‘yung tipong ‘di ka na mag wo-worry sa mga bills mo. ‘Yung may Peace tuwing matutulog ka sa gabi knowing that you can do the things you want to do and fulfill a purpose pagkagising mo kinabukasan. You also meet friends along the way which is isa sa mga Magandang nakuha ko because I started Investing, cheesy!
I am still in Korea as of the moment. Still working. Still trading. Still fighting. Ever since na-Experience ko yung potential ng Stock Market Investing, nagkaroon ako ng desire to share lahat ng natutunan ko for almost 6 years na pag-tTRADE sa ibang OFWs who also want to reach their biggest dream, karamihan yung makauwi at makasama ang pamilya. Swerte yung mga gustong matuto ngayon. Much luckier than we were nung nag-Start palang kami. One of the biggest struggles I had during that time was the lack of learning resources, tools, and community that will support each other.
Oo nga pala, sa lahat ng gusto matuto, pero hindi alam saan magsisimula. Baka makatulong ito sainyo!
Check http://invs.st/OPPAStoryInvestaCup
It’s the Biggest Trading Competition sa Pilipinas, Investagrams will also give access to Beginner Friendly LEARNING MODULES
to those na sasali, aside from the chance na manalo ka! Ang tanong nalang, gusto mo ba talagang matuto at magsimula?
Kamsahamnida!